Part 2 Of My First Pregnancy Experience
One month na lang due date ko na. My husband and i decided na lumipat na sa Makati Med for my check up kasi doon din namin gustong manganak ako. Pagpunta namin doon hinanap ko yung OB ko dati kaso naka-sick leave daw sya kaya wala kaming choice kundi humanap ng ibang OB. Since i have a friend working as a nurse in Makati Med, sya ang tinanong namin baka may marefer syang magaling na OB. After namin sa friend ko dumiretso na kami sa new OB ko at nagpaappointment agad.

She checked me at IE (internal examination) tapos ok naman daw at need ko na weekly na magpacheck up hanggang sa manganak na ako. Binigay ko din sa kanya lahat ng laboratory results ko at ultrasound sa dati kong OB. September 14, 2012 ang due date ko. She explained na kaylangan ko daw ng anesthesiologist kasi hindi ko daw kakayanin ang sakit kaya painless daw yung gagawin nila since first time ko. Para samin ng husband ko, mas maganda nga yung painless kasi yun ang sabi nila. Kaya pumayag na kami.
September 11, 2012 at 5 a.m. nagising ako kasi feeling ko naihi ako. Ginising ko yung husband ko at sinabi ko yun sa kanya. Buti na lang gising na din mother-in-law ko at narinig nya ako kaya sinabi nya na maligo na daw ako dahil pumutok na yung panubigan ko at manganganak na daw ako.
After maligo pumunta na agad kami sa Makati Med. Dinala ako sa labor room. Maraming doctors at nurses ang nagtanong sakin at nagfill up ng form. After one hour sobrang sakit na ng tyan ko. Medyo humahaba na yung contraction time kaya tinawag ko yung nurse. Sinabi ko nga na sobrang sakit na. Pagbalik nya kasama na nya yung isang OB, IE ulit then sabi nya na iinjectionan na daw ako ng epidural, 7cm na daw ako nun. Pinaupo ako at pinayuko, wag daw ako gumalaw dahil mag-iinject na si doc sa likod ko. After injetion, unti-unti ng nababawasan ang sakit hanggang sa makatulog na ako. At 11:00 a.m. nilipat nako sa delivery room, inayos nila lahat ng gamit at ilaw. Maya-maya lang ay dumating na yung OB ko at sinabi na manganganak na daw ako. Nag-suot na sya ng gloves at sinabi sa akin "Rose bibilang kami ng sampu ha. Pagbilang namin ipush mo yung baby ha. Okay. Push! 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10!
Hindi ko alam kung paano magpush. Grabe, wala akong maramdaman, paano ako magpupush? Nagpipray na lang ako sa isip ko at sana makalabas na si baby. Puro ire ako pero wala namang nagyayari. After 2 attempts wala pa din kaya sinabi ni doc na tutulungan na daw ako nung isang doktor na mailabas yung bata. Pumwesto sya sa harap ko at nilagay ang kamao sa tyan ko. Itutulak na nya yung baby palabas kasabay ng pag-ire ko.
Nasa delivery room din ang husband ko para magpicture, pero dahil sa nyerbyos nya hindi nya magawang magpicture kaya yung isang nurse na lang ang nagpicture samin.
Bumilang ulit sila ng sampu sabay push ng isang OB sa tyan ko. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10! Aray ko! Yun talaga nasabi ko kasi ang sakit pala nun pagtinulungan kang ilabas yung baby. Parang nadurog yung tyan ko pero ok lang kasi narinig ko na yung iyak ng baby ko after nun. At exact 12:10 p.m. lumabas si baby.
Nilinis agad ng 2 Pedia na nakaabang sa paglabas ni baby ko at ibinigay sa amin ng husband ko. Pinadede nila sa akin tapos nagpapicture na kami.
"Thank You Lord", sabi ko sa isip ko. Nailabas ko din ng maayos si baby. After that, dinala na si baby sa NICU at ako naman sa Recovery Room for 2 hours at sa Regular Room after.
Ikaw? Ano ang first pregnancy to delivery experience mo? Want to share? Just comment below. Until next time.
Tip for the day:
Kung gagamit ka ng HMO card sa panganganak, make sure na yung OB mo ay accredited ng card mo. Bago ka manganak, dumaan muna kayo o ang husband mo sa office ng HMO nyo sa loob ng hospital para sila ang magbigay ng OB for you para hindi ka na magcash out for the professional fee ng OB mo.
Your mom on duty,
Mommy Marie

Comments
Post a Comment