Paano ba mag-alaga ng skin, mga mommies?


Bilang isang mommy, marami tayong iniisip at ginagawa araw-araw kaya minsan nakakalimutan na natin ang ating sarili. Nandyan yung magluluto ka ng pagkain ng mga anak at asawa mo, maghahanda ng mga susuotin nila pagpasok at kung nagtatrabaho ka din syempre huli na yung mga needs mo diba. Karamihan tuloy ng mga mommy, working moms or full time mom ay hindi na nila nasisingit ang magpa-parlor o magpa-spa kaya meron akong tips para sa mga mommy na katulad ko. Hindi naman kailangang mahal ang mga produktong gamit mo ang importante ay hiyang sayo. Pwede rin organic o natural na produkto gaya ng prutas o kahit anong meron sa kusina nyo. Kung marami kang oras at pera pwede kang magpunta sa parlor o spa pero kung kapos ang budget at oras mo pwedeng sa bahay ka na lang. Mas mura na, mas convenient pa diba?

Merong 4 steps para mapanatili nating maganda ang balat natin.
1) Cleansing. Paghihilamos gamit ang sabon o kahit anong cleanser na gamit mo 2 beses isang araw. Isa sa umaga at isa bago matulog. Kung may products ka na at feeling mo hiyang naman yun sayo, ang payo ko ay wag ka na magtry ng iba o bago kasi kadalasan pag may nakikita tayo sa ibang taong maganda sa kanilang produkto feeling natin magiging maganda din sa atin kaya lang minsan nagiging masama ang epekto nito at marami akong kilalang nasisira ang balat nila dahil dito. Kaya kung makinis naman ang balat mo ay makuntento kana sa gamit mo.
2) Toning. Ito naman ay paggamit ng toner. Parang tubig lang ito na nilalagay sa bulak at ipapahid sa balat. Kadalasan alcohol base ang toner natin dito kaya minsan literal na amoy alcohol ang gamit natin. Marami na ding toner na available sa market ngayon pwede kang bumili pero dapat alam mo kung ano ang skin type mo gaya ng oily skin, dry skin, combination skin at pimple skin. Kung hindi mo pa alam ang skin type mo, ituturo ko sayo yun sa next blog ko next week.
3) Moisturize. Ito naman ay pag-gamit ng creams para mapanatiling malambot at maganda ang ating balat. Nakadepende din sa kaylangan ng balat natin ang creams. Mahalaga talaga na malaman mo ang iyong skin type para malaman mo kung anong produkto ang dapat mong bilhin.
4) Protect. Dahil sa sobrang init dito sa Pilipinas kailangan talaga nating gumamit ng sun protection creams. Marami ring available na sun screen o sunblock sa market. Merong mababa ang SPF meron ding mataas. Ano ba ang SPFF? Sun Protection Factor, yan ang kahulugan ng SPF. Mas mataas ang SPF, mas matagal ka pwedeng magpaaraw. Meron din itong 2 klase, may pang oily at pang dry skin.

Kung meron ka ng mga produktong nabanggit ko sa taas at maganda naman ang resultang naibibigay nyan sayo, mas magandang ituloy mo nalang yan pero kung gusto mo na may mas iganda pa pwede kang magpunta sa Dermatologist para masuring mabuti ang kailangan ng balat mo.

Mga mommies, abangan nyo ang susunod na blog ko dahil ituturo ko kung paano nyo malalaman ang skin type nyo at kung anong mga produkto sa kusina nyo ang pwede nating gamitin para kuminis, pumuti at mas gumanda pa ang ating mga balat.

Your friend in beauty,
Mommy Marie

Comments

Popular posts from this blog

What is my skin type?

Revlite