What is my skin type?

Paano mo malalaman kung ano ang skin type mo?

Meron tayong 3 common type of skin. Ito ang dry, oily at normal to combination skin.

1) Dry skin. Ito yung magaspang, tuyo at parang banat na banat ang balat. Hindi mo makikita ang mga pores mo sa isang dry skin. Kaya nagiging magaspang ang balat ay dahil sa nagbabalat at nagbibitak na ang balat sa sobrang tuyo o kulang sa moisture o tubig ang balat. Kapag ganito ang iyong skin, dapat na magmoisturize ka palagi. Hanapin mo ang mga produkto na may urea o lactic acid. Ito ang nagpapanatili ng moisture sa ating balat.

2) Oily skin. Ito naman ay may malalaking pores at palaging makintab ang mukha dahil sa mga oils na tuloy-tuloy na lumalabas sa pores natin. Dahil sa mga oils na ito nagiging healthy glowing ang skin natin pero pag sobra na ay hindi na din magandang tingnan. Gumamit ng blotting paper para maabsorb ang mga oils. Hanapin din ang produktong water based at oily-free products para hindi na madagdagan ang oils ng skin mo.

3) Normal to combination skin. Ito naman ang skin na may dry part at oily part kaya tinawag na combination. Ang oily part ay ang T-zone o yung noo at ilong hanggang baba. Ang dry part naman ay ang pisngi.
Marami ang may combination skin sa atin kaya marami ding products ang mabibili sa market sabihin mo lang na combination ang skin mo.

Suriin mong mabuti ang iyong balat para malaman mo kung alin sa tatlo ang iyong skin type. Kapag alam mo na, pwede ka nang mamili ng mga products na naaayon sa iyong balat.

Tip of the week:
May pimple ka ba? Pagkatapos mong maghilamos, lagyan mo ng honey ang buong mukha mo at ibabad ng 10-15 minutes parang mask. Ang honey kasi ay may natural antiseptic at anti-fungal properties, pinapabilis din nito ang paggaling ng pimples. Banlawan mo ng malamig na tubig pagkatapos.

Kung nagawa mo yung tip of the week natin, gusto kong marinig ang kwento mo. Just leave a comment below.

Your friend in beauty,
Mommy Marie

http://2b7c83dmdrmo8u90lxzra329ez.hop.clickbank.net/
Look 5 Years Younger In Minutes & 
Never Leave Home




Comments

  1. Pwde po bang gumamit ng syrup,kung wala kang honey?

    ReplyDelete
  2. Una kase po...nung gabi nag lagAy po ako ng kamatis daw kase nkaka pawalang pimples daw po yon.then nung umaga napo ....pagkatapos ko maligo....ayyyyy shitttttt.....ang kati ng mukha sobrang kati po ....na may mga parang lumulobo...yong kpg ginagatlan ka...tas dba may lumulubo...taz ayon po dun nagsimula huhuhuhuhu sana po matulungan nyoko..thank you

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Revlite