My First Pregnancy Experience at the age of 32
Mga mommies, natatandaan nyo pa ba yung first pregnancy experience nyo? Gusto ko lang i-share yung first pregnancy experience ko.
Last January 2012 nalaman ko na buntis ako, syempre first baby namin yun kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Me and my husband decided to go to OB/GYN (obstetrician gynecologist). After consultation at ultrasound, tinanong ko yung doctor kung ano yung mga bawal kainin. Sabi nya, lahat naman daw pwedeng kainin basta iinumin ko lang yung mga vitamins na nireseta nya. Pag-uwi namin ng bahay, nagresearch agad ako sa internet para malaman kung ano ang mga bawal for a pregnant woman.
At ito ang major things nabasa ko sa internet.
1. Quit smoking.
2. Stop drinking alcoholic beverages.
3. Cut down on caffeine.
Hindi naman ako nagyoyosi kaya hindi ko na poproblemahin yung no.1, pati na din yung no.2 kaya ang problema ko ay yung no.3 kasi mahilig talaga akong magkape. Bukod sa internet bumili din ako ng mga books, at isa sa books na nabili ko ay nakasulat na pwede pa lang magcause ng miscarriage sa first trimester ang caffeine. Nung nabasa ko yun talagang tiniis kong hindi magkape simula ng mabasa ko yun hanggang sa manganak ako.
Ikaw ba, bumili ka din ng mga books at nagsearch sa internet about pregnancy? Yun naman talaga siguro ang gagawin ng kahit sino diba lalo na kung wala kang ibang mahihingian ng advice. My mom died when a was 23 years old kaya hindi ko na sya natanong. Marami naman akong friends pero di ko na rin sila inistorbo kasi nandyan naman si GOOGLE.
Masaya naman ang first pregnancy ko kasi hindi ako maselan kagaya ng iba. Halos araw-araw sila sumuka, ako naman sinabihan ako ng OB/GYN ko na early in the morning daw dapat kumain ako kahit konti lang para hindi ako magsuka. Sinunod ko yun, minsan 5a.m. gumigising ako para kumain. Effective naman sakin, kaya hindi ko masyadong naranasan yung morning sickness na sinasabi nila. Medyo naging emotional lang ako nung nagbubuntis, konting pagtatalo lang namin ng husband ko umiiyak nakong parang bata sa hagulgol. Naranasan mo din ba yun?
Ang hilig ko namang kainin noon ay lanzones, hindi mangga, buti nalang may nabili ang mister ko. Grabe, naubos ko yung dalawang kilo. Ang sarap! Tuwing umaga naman, inaabangan ko yung nagtitinda ng buko sa may street namin. Sabi din ng OB ko na kumain daw ako ng isda palagi, maganda daw yun sa development ng brain ng baby ko. Kaya everyday talaga may isda akong ulam.
Dumating na ang summer, panahon ng duhat noon. Gusto ko ng duhat, sabi ko sa mister ko pero ayaw nya. Huwag daw yun, pero dahil makulit ako, ako pa din ang nasunod. Maitim daw kasi ang kulay non kaya bawal kong kainin. Fruits yun diba, kaya para sa akin, healthy yun. Kung ano naman ang kulay nyong mag-asawa, sa inyo magmamana ang baby nyo. Yun ang opinyon ko.
Five months pregnant nako, gusto na namin malaman kung ano ang gender ni baby kaya naghanap kami ng Sonologist, yung doctor na maguultrasound. Wala kasing ultrasound dun sa bago kong OB.
During ultrasound, sabi ng doctor it's a girl! Yehey! Nanalo ako kasi gusto ko girl. Healthy naman sya pero, sabi ng doctor nakaharang daw yung placenta o inunan ko sa labasan ng bata. Sabi pa nya, for cesarean section na daw ako. Parang tumigil ang tibok ng puso ko nung narinig ko yun. Nagkatinginan kami ng husband ko. Tapos nagtanong sya sa doctor, "doc ano po ba pwede naming gawin para hindi sya macesarean?" Sabi lang ng doctor wala na daw choice kundi cesarean lang o kaya magdasal na lang kami na umikot pa yung bata para maiba ang pwesto ng placenta ko. Ang sungit nyang doctor, at may pananakot pa. Siguro kung mahina lang loob namin ng husband ko, naniwala agad kami sa kanya na cesarean na talaga ako.
After that ultrasound, umuwi na kami at nagdasal talaga kami kay Lord. Sya na ang bahala kung masecesarean ako o hindi.
Monthly check-up ko na naman kaya pumunta kami sa talagang OB ko, pinakita namin ang result at sinabi namin sa kanya yung sinabi sa amin ng OB na yun. Malaki pa daw yung chance na maiba ang pwesto ng placenta ko kasi masyado pang maaga. Yung iba nga daw 8 months na, nakaharang pa din yung placenta nila sa daanan ng baby pero bago manganak naiiba yung pwesto. Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi ng OB ko kaya nagpasalamat ako sa Diyos at nilinaw nya samin ang lahat.
Laging humingi ng second opinion, yun ang natutunan ko sa experience na yun.
Medyo mahaba na to, until next time. Abangan ang susunod na kabanata.
Your friend on duty,
Mommy Marie
PS:
Mga momies, gusto mo ba ng extra income para mas masaya ang pasko ng pamilya nyo?FREE TRAINING: How to launch a profitable online business even if you’re not a techie person.

Click this link to see details >>> https://www.unitynetwork.com/free-training/?unid=1502076359
x
Comments
Post a Comment