Posts

Showing posts from October, 2017

My hobby!

Image
Great day mga mommies, Ano ang hobby mo o pinagkakaabalahan mo sa libreng oras mo? Ako, crocheting o pag gagantsilyo. Madami dami na din akong nagawa para sa mga babies ko. Mas forte ko ang crochet hat. Para kasi sakin, yun ang pinaka madaling gawin.  Marunong ka ba magganstilyo? Natutunan ko yun nung elementary days ko, Grade VI ata ako nun. Puro basic stitches lang tinuturo nila samin. Marami na ngayong tutorial sa internet kaya madami ka talagang matututunan about crocheting. Nakakarelax ang crocheting, at nakakatuwa pa lalo na kapag nakatapos ka na ng isang project mo for your kids. Hindi ako professional crocheter ha, kaya don't expect na sobrang gaganda ng gawa ko pero masaya naman ang mga nagsusuot nito kasi with love lahat yun. Pag magpapasko gumagawa din ako ng coin purse to sell and give as a gift. Laking tipid na nun diba? Mas naaapreciate pa nila kasi pinaghirapan mo. Pwede ka din gumawa ng decorations for Christmas para mas gumanda lalo ang bahay nyo....

Revlite

Mga mommies, kamusta? Marami ang nagtatanong, ano ba ang Revlite? Narinig nyo na ba ang salitang Revlite? Ang Revlite ay isang laser procedure for pigmentations like freckles, pimple marks, scars and tattoo. Anti-aging din sya kasi nagstimulate sya ng collagen production. Nakaconcentrate ang Revlite sa pigments, o kulay ng skin natin kaya pati tattoo kaya nyang tanggalin for series of sessions, ibig sabihin hindi agad agad, hindi magic ang Revlite pero ito na ang mabilis na paraan para maging pantay ang kulay ng balat mo. Kung gusto mong gumanda ang skin mo, mag even out ang color nito at mawala ang marks, Revlite ang sagot dyan. Tuwing kelan ba dapat magpa-Revlite? Isang beses isang buwan lang dapat magpa-Revlite pero minsan depende din sa Dermatologist yun kasi nakadepende din yun sa case ng mga patient nila. Ano ang mararamdaman during Revlite? Habang nire-Revlite ka, mararamdaman mong parang pinipitik ng rubber band ang face mo. Sunod sunod na pitik at medyo mainit pero tol...

Part 2 Of My First Pregnancy Experience

Image
One month na lang due date ko na. My husband and i decided na lumipat na sa Makati Med for my check up kasi doon din namin gustong manganak ako. Pagpunta namin doon hinanap ko yung OB ko dati kaso naka-sick leave daw sya kaya wala kaming choice kundi humanap ng ibang OB. Since i have a friend working as a nurse in Makati Med, sya ang tinanong namin baka may marefer syang magaling na OB. After namin sa friend ko dumiretso na kami sa new OB ko at nagpaappointment agad.  She checked me at IE (internal examination) tapos ok naman daw at need ko na weekly na magpacheck up hanggang sa manganak na ako. Binigay ko din sa kanya lahat ng laboratory results ko at ultrasound sa dati kong OB. September 14, 2012 ang due date ko. She explained na kaylangan ko daw ng anesthesiologist kasi hindi ko daw kakayanin ang sakit kaya painless daw yung gagawin nila since first time ko. Para samin ng husband ko, mas maganda nga yung painless kasi yun ang sabi nila. Kaya pumayag na kami. September 11, 20...

My First Pregnancy Experience at the age of 32

Mga mommies, natatandaan nyo pa ba yung first pregnancy experience nyo? Gusto ko lang i-share yung first pregnancy experience ko. Last January 2012 nalaman ko na buntis ako, syempre first baby namin yun kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Me and my husband decided to go to OB/GYN (obstetrician gynecologist). After consultation at ultrasound, tinanong ko yung doctor kung ano yung mga bawal kainin. Sabi nya, lahat naman daw pwedeng kainin basta iinumin ko lang yung mga vitamins na nireseta nya. Pag-uwi namin ng bahay, nagresearch agad ako sa internet para malaman kung ano ang mga bawal for a pregnant woman. At ito ang major things nabasa ko sa internet. 1. Quit smoking. 2. Stop drinking alcoholic beverages. 3. Cut down on caffeine. Hindi naman ako nagyoyosi kaya hindi ko na poproblemahin yung no.1, pati na din yung no.2 kaya ang problema ko ay yung no.3 kasi mahilig talaga akong magkape. Bukod sa internet bumili din ako ng mga books, at isa sa books na nabili ko ay nakasulat...